Here is a very short story using many local terminologies in Alfonso. If you cannot understand please ask your grandparents to interpret. you will enjoy...
ANG SWIKOS NI BARNAY
Si BARNAY ay isang batang KALIKATSAW na lumaki sa PAG –AARMITI ng kanyang ANDA. Nang siya ay bago pa lamang LAGSANG, ang kaniyang inang HALIPAROT ay namatay sa isang DANYONG SAKIT sapagka’t sang-ayon sa mga MAGSASANGHIYANG na NAGLAWIT sa kaniyang ina, ito raw ay NABATI ng mga NUNU ng minsang MANINGKAYAD sa may BALISBISAN ng kanilang bahay. Sabi naman ng ibang ALBULARYO, ang sakit daw pumatay sa ina ni Barnay ay dulot ng MASARGANG AGIHAP noong kaniyang kabataan sapagka’t noon daw bata pa ang nanay ni Barnay ay talagang malimit TAGULABAYIN mula pa ng siya ay makagat ng HIMIMINGOT ng minsang siya’y nanghuhuli ng HINTUTUBING at ALIPARU sa may TALANDIAN, na kapag NAARIRA naman ay PAGKARAKA’Y NATAGULAYLAY at BUMABANAT ng PARAK matapos TALAKAN ang sino mang HAHADA-HADA.
Isang araw, sa paghahangad ng ama ni Barnay na makapag-KAMAL ng MIL-AK-MIL-AK na kayamanan ay inipon ang ibang tulad niyang mga BARIBAT na KADAMPILYAN at sila’y nagbalak na MAMBAYKOT ng kayamanan na diumano ay nakabaon sa dulo ng BALANGAW.
NAGTUTUNGAYAW PA NG UMALIS ANG buturing ama ni Barnay at KARIMUTAN ng takbong lumayo ang lahat niyang ALIPORES samantalang si Barnay ay naiwang LASMID NA LASMID at NGUTO NG NGUTO.
Kaya’t si Barnay ay SINANDUNDO ng kaniyang KAKA na isa namang PUGALSAK at napaka-BURARA. Dahil sa KAGIGIHAN ng kaniyang KAKA ay napabayaan pati ang BASAYSAY sa dahilang PARATI na lamang KATALAMITAM sa mga BURA at TIBAW hanggang sa MAURIPOL sa kareregalo.
Sa KAGALGALAN nilang dalawa ay nagka PIRA-PIRAIT na ang mga gamit sa bahay, NABINGOT na pati mga KAM-AW kung kaya’t nagkalat ang mga PURUNGGO at BIBINGA. NAMULOS na ang mga takip ng bintana kung kaya’t pinapasok ng AMPIYAS kung naulan.
Si Barnay ay NAKAKA-ANI sapgka’t kung MAALIS-IS ang panahon siya ay laging NAKABUYANGKAD at BUNGISNGIS NG BUNGISNGIS sa may tabi ng LATOK samantalang NAGKUKUKOT ng HIMBABAO. Sa KURKULA ng iba kaya raw si Barnay ay PURIL ay sapagka’t nagka SARAMPIYON siya noong bata pa, nakagat ng ULAHIPAN ng lumaki-laki at malimit na BINABALISAWSAW dahil kung maligo raw ay hindi NANGHIHILOD. PIRMI raw siyang kaurupot ng mga GARUTAY na naglalaro sa SILAB at malimit na KAHALIDUTDUT sa pag IISTIMA ng ibang tao. Dahil sa ugali niyang iyon, malimit siyang MAPAGDISKITAHAN pati sa pang UUG-UG ng BAYAG-KAMBING at PAGHAHALIKWAT ng MATITILUS na UTING-KUGON.
Isang araw sa may KASILYAS ng BARAKA ay bigla na lamang may PUMINDOT sa kaniyang ALAK-ALAKAN. NAMAYBAY ang HAPDI hanggang sa kanyang KUYUKOT kaya bigla na lamng uminit ang kanyang KUKUTI. Isang UTO naman ang KUMALIKAW sa kaniyang TABUGI dahil marahil ay sumisige ang PANDARAWISAW. NAKAKA-SORA, subali’t talaga naming URIKIT ang BANDOY na iyon. Masarap sanang BATUKAN pero di man lang MASIKMAT ni Barnay sapagka’t SINGKARA ng KAPAL ang mga NAMAMARAKA.
Napuna ni Barnay na ang lalaking SUMISIRINGGI sa kanya ay BUNGI, BINGOT at may SUMISIBOL sa HINTUTURO. Sa palagay ni Barnay ay kaya niyang ISISI sapagka’t mukha naming MALAROY bagama’t SINGARUNG-SINGARONG lumapit sa kanya.
Naghintay na lamang si Barnay na siya ay GURDUHIN ng PUTRAGIS na iyon. Ibig niyang HUMIYAW subali’t bigla siyang kinagat ng GUYAM na pula at sa kaniyang PAGKARIPAS ng takbo ay bigla siyang SINUGGABAN ng hind MAKALING lalaki na pilit INIAANDOT ang sarili sa kanya. Hindi naman niya matutuhang ibigin sapagka’t bukod pa sa may ANGHIT ay talagang umaalingasaw ang pagka amoy ULBO.
Ng wala ng siyang magawa ay NGINIBITAN na lamang niya ang WALANG HIYANG iyon, nguni’t siya ay INULAUD ng halik kahi’t siya ay may BUNING-MANOK sa may gilid ng liig. Wala siyang nagawa kundi PUMARAK at UMATUNGAL ng UBOD ng lakas. Nang makita niyang NAGDAGISUNAN ang mga taong palapit sa kanila ay kinuha niya ang kaniyang SWIKOS at BINEGWASAN ng isang pukpok na ubod lakas. NAHAKLIT ang kaniyang KAMISON at nag TALSIKAN, NANABOG at nangawala ang mga ABALORYO ng kaniyang NAGIBANG SWIKOS subali’t NATUNGKAB naman ang BATOK ng URNOY na iyon at sa KATULIRUHAN ay nawalan ng malay-tao sa may BUKANA ng KASILYAS.
Hindi pa NATALDAHAN si Barnay. SINIKARAN pa niya ang BASTOS. Dumating ang mga pulis. Si Barnay ay IKINALABOS samantalang ang lalaki naman ay PINULAWAN nuong gabi.
MINUMUKO mo naman ang pangyayaring iyon sa buhay ni Barnay.
Siya ba ay dapat MAKALABOS? Sino ang TUGANG pulis na humuli kay Barnay? Hindi na ba siya NAGMUNI-MUNI?
Noong gabing iyon, ang hindi MAKALING si Barnay ay UMUKYABIT sa dinding ng KALABUSAN. BINIYABIT ang kaniyang mga ARGANAS at KAGAGAUTAN. Sumilip muna siya sa mga naka ANTIWAS na dinding at ng mapunang ULA ang bantay na pulis ay NAGPARAUS-US na pababa. NALABINIT ang kanayng mga GULUGOD at NAMANTOS ang kanyang mga TABUGI.
Lumaganap ang sakit hanggang sa may gilid ng kaniyang PUKLO.Nagpilit siyang DUMAGI-DAGISUN at SINAMBARGA ang TAYUD na may lamang SAMUT-SAMOT. Hindi halos siya maka-UGAGA at kulang lamang ay MAHIRIKLAT ang kaniyang KILI-KILI na MAANGOT na noon. LUMAGOTOK ang kaniyang paa sa PAGTIPAS at ang pulis na bantay ay NAPAMULAGA na lamang sa kanya.
Palibhasa’y may KAHITARAN si Barnay, siya ay GUMIRAY-GIRAY at KINULINGGI ang pulis. Siya naman ay KINUNSINTI ng URNUY na sapagka‘t bagong gising ay naka-SUKANOT . Ang pulis ay mukhang DUSONG kung kaya’t BINANATAN ni Barnay ng isang buong lakas na SAMPILONG. Ang kawawang pulis ay UMARINGKING na parang PAPAGAYO. Ang Hepe ay NAG-URIRAT sa pangyayari subali’t si Barnay ay SINAGUNSON ng kaniyang ANDA at SINAMBILAT na pauwi sa bahay. Sa dahilang si Barnay antimano ay LAHIHI, pinatawad na siya ng TUNGGAK na pulis at binayaang umuwi sa kanilang bahay.
Kinabukasan, samantalang inililibing ang lalaking napatay ni Barnay, siya naman ay HUMAHALIHING HINIHINGUTUHAN ng kaniyang KAKA na walang kasing ADA. Nakasilip siya sa butas ng bintana at habang NANGHIHINULANGOT ay NILILIBAK ang mga kamag-anak ng lalaki na NAGTATAGULAYLAYAN habang lumalakad na puntang PANTIYONG.
Sa katagalan ng mga panahong lumipas ay NATALDAHAN din si BARNAY at 'di nagtagal may isang TUTUGA-TUGANG BARNOY na lumigaw sa kanya, nagpakasal at sila ay nagsama hanggang WAKAS.
Mula sa aklat ng TINGKORAW
Alfonso’s History and Legend
Ni jett e. aviƱante, m.d.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment