SA HARDIN GAUDOM
Uwak ang sigaw
Uwak din ang tugon
Nagkaunawaan
Ang dalawang ibon
Kulay dilaw kulay pula
Kulay puti
at iba pa
puro sila gumamela
bulaklak na
magaganda
Rosas at bongabilya
Cactus na iba-iba
Puro tinik
Ang kasama
Bantay nila tuwina
Matatangkad na puno
Walang mga sanga
Mataas ding puno
puro naman sanga
May marupok may matibay
Lahat namumunga
Bakit kaya bawa’t puno’y
Ibang-iba sa iba?
Masasayang maiingay
Minsan nama’y nag-aaway
Mga ‘driver’ na naghihintay
Ng pasaherong sasakay
Sa harap ng hardin ko’y
Mga bantay
Araw-araw
Kakainip ang mag-hintay
Ang hintayin ay hirap din
Naghihintay at hinintay
Sa wakes
Ay nag katagpo rin
Amoy ng tao at hayop na mabantot
At maangot
Sinasamyo ng halaman
Upang sila
Ay lumusog
Mga singaw ng halaman
Ay sinasanghap ng hayop
At ng tao
Upang manatiling
malusog
isang uri ng bigayang
tunay na nakalulugod.
Humihiging ang bubuyog
Humahalinghing ang langaw
Tuko’y humuhuni
Na tila nagsasagutan
Tumitilaok ang manok
Aso’y nagtatakinan
Iba’t ibang tunog
Masarap pakinggan
Pumapatak ang ujlan
May bugso ng hangin
Parang may bantang bagyo
Ay darating
Marami na naman
Ang kalat
Sa hardin
Tumataba naman ang
Lupang nasiil
Umiirit sumisigaw
Tumatakbo
Masasaya
Mga batang sa hardin ko’y
namamasyal
masisigla malilikot
kay sarap
ng buhay
Salamat po
Paalam na
Meron kaming natutuhan
Sa inyong hardin
‘di namin malilimutan
Halaman hayop
tao’t Diyos
sama-sama
isa lamang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment